Matatag na Pagbubuntis, Mga Normal na Sintomas

Ikaw ay buntis at may mga sintomas na bumabahala sayo. Sa pagbubuntis, normal na magkaroon ng maraming uri ng sintomas. Ito ang listahan ng mga karaniwang sintomas na nangyayari kapag nagbubuntis.
Ulo at bibig
-
Dumudugong gilagid
-
Pagkahilo at kawalang malay
-
Ekstrang laway (saliva)
-
Pananakit ng ulo
-
Pagdurugo ng ilong
-
Pagbabago sa kulay ng balat sa mukha
-
Baradong ilong
-
Bahagyang panlalabo ng paningin, lalo na kung nakasuot ng contact lens
Suso
Likod, mga braso at binti
-
Pananakit ng likod, balakang o binti
-
Pangangalay ng binti na pabalik-balik
-
Pamamanhid at pangingilabot ng kamay at mga daliri sa kamay
-
Magang mga kamay, binti at paa
-
Magang mga ugat sa binti
Tiyan (abdomen) at pelvis
-
Pagtitibi
-
Pakiramdam ng presyur sa iyong pantog at sikmura
-
Madalas na pagnanais umihi
-
Gas at tila punong tiyan
-
Heartburn
-
Pangangati ng puwitan, pamamaga at pagdurugo (hemorrhoids)
-
Tumatagas na ihi
-
Bahagyang presyur o paghilab sa iyong tiyan
-
Pagduduwal at pagsusuka sa buong araw at gabi (morning sickness)
-
Magang tiyan
-
Malinaw o puting drenahe mula sa ari
Iba pang sintomas
Pangangalaga sa Tahanan
Eto ang mga impormasyon na maaaring makatulong sa iyo na mapaginhawa ang ilang karaniwang sintomas ng pagbubuntis.
Kumikirot at magang mga suso
Pagduduwal at hindi matunawan
-
Kumain ng kaunting pagkain o meryenda ng mas madalas.
-
Kumain ng simpleng pagkain tulad ng saging, biskwit o kanin.
-
Iwasan ang mga pagkaing maanghang, mataba at mamantika.
-
Iwasan ang alak, kapeina at tabako.
-
Huwag humiga agad matapos kumain.
-
Itaas ang ulunan gamit ang mga unan kapag nakahiga.
-
Kumain ng mga pagkain at inumin na may luya. Kung umiinom ng salabat (ginger ale), siguraduhing may tunay na luya ito at hindi lamang pampalasa.
Pagmamanas ng binti at paglitaw ng mga varicose veins
Pagtitibi
Pananakit ng kasukasuan at kalamnan
-
Iwasan ang pagbubuhat ng mabigat.
-
Kapag may pupulutin, yumuko gamit ang iyong mga tuhod at wag ang iyong baywang.
-
Gumamit ng acetaminophen para sa pananakit ng kasukasuan at kalamnan. Huwag gumamit ng aspirin, ibuprofen, o naproxen.
Panunuyo at pagdurugo ng bibig at ilong
Huwag uminom o gumamit ng mga gamot o lunas na hindi inapruba ng tagapangalaga ng iyong kalusugan. Kung mayroon kang malubha o biglaang sintomas, tumawag sa tagapangalaga ng iyong kalusugan.
Tumawag sa 911
Tumawag sa 911 kung alinman sa mga ito ang mangyari:
-
Panibagong pananakit sa dibdib, braso, balikat, leeg o itaas na bahagi ng likod
-
Hirap na paghinga
-
Matinding pananakit ng tiyan o labis na pagdurugo
-
Matinding pagkahilo, kawalan ng malay o pagkahimatay
-
Mabilis na tibok ng puso
-
Pagkabalisa o hirap na magising
Kailan dapat humingi ng medikal napagpapayo
Tumawag sa tagapangalaga ng iyong kalusugan agad kung ang alinman sa mga ito ang mangyari:
-
Mahapdi o may pananakit tuwing umiihi
-
Depresyon o malubhang pagkabahala
-
Pagnanais na kumain ng mga bagay na hindi kinakain tulad ng papel, lupa o mga produktong panlinis
-
Pagtatae na tumatagal ng higit sa 24 oras
-
Mabilis na pagtibok ng puso o pagkabog ng puso
-
Lagnat na 100.4°F (38°C) o mas mataas, o ayon sa ipinag-uutos ng tagapangalaga ng iyong kalusugan
-
Hindi kayang panatilihin sa sikmura ang mga likido ng 6 na oras ng hindi sumusuka
-
Malubha o patuloy na pagsusuka
-
Kaunti o walang ihi
-
Malaking pagbabago sa paningin
-
Katamtaman o matinding pananakit ng tiyan
-
Malubhang pananakit ng likod
-
Malubhang pagtitibi
-
Matinding paghilab o pamamaga ng isang binti, lalo na kung ito ay sa isang panig lamang.
-
Malalang pananakit ng ulo
-
Biglaang pamamaga sa iyong mukha, mga kamay, paa o bukung-bukong
-
Pagdurugo sa may puwerta
-
Labis na pangangati ng balat na hindi bumubuti
Online Medical Reviewer:
Foster, Sara, RN, MPH
Online Medical Reviewer:
Stempler, Dennis, MD
Date Last Reviewed:
10/1/2016
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.