Pasa sa Kamay
Mayroon kang pasa (contusion). May pamamaga at ilang pagdurugo sa ilalim ng balat, ngunit walang nabaling buto. Maaaring tumagal ang pinsalang ito nang ilang araw hanggang ilang linggo para gumaling. Sa panahong iyon, karaniwang mag-iiba ang kulay ng pasa mula pula, patungong lilang asul, patungong berdeng dilaw, hanggang sa dilaw na kayumanggi.
Pangangalaga sa tahanan
-
Itaas (elevate) ang kamay para bawasan ang pananakit at pamamaga. Hangga't maaari, umupo o humiga na nakataas ang kamay na halos kapantay ng iyong puso. Napakahalaga nito sa unang 48 oras.
-
Lagyan ng yelo ang kamay para makatulong na bawasan ang pananakit at pamamaga. Upang makagawa ng ice pack, maglagay ng mga piraso ng yelo sa isang plastic bag na naisasara sa ibabaw nito. Ibalot ang bag sa isang manipis na tuwalya. Ilagay sa bahaging may pasa sa loob ng 20 minuto bawat 1 hanggang 2 oras sa unang araw. Ipagpatuloy ito 3 hanggang 4 na beses sa isang araw hanggang mawala ang pananakit at pamamaga.
-
Maaari kang gumamit ng acetaminophen, ibuprofen, o naproxen para kontrolin ang pananakit, malibang inireseta ang ibang gamot. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan bago gamitin ang mga gamot na ito kung mayroon kang pangmatagalang sakit sa atay o kidney. Makipag-usap din muna sa iyong tagapangalaga kung nagkaroon ka ng ulser sa sikmura o pagdurugo sa sikmura at bituka.
Mag-follow up
Mag-follow up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan ayon sa ipinayo. Tumawag kung hindi ka gumagaling sa loob ng 1 hanggang 2 linggo.
Kailan dapat humingi ng medikal na payo
Tumawag kaagad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mangyari ang alinman sa mga sumusunod:
-
Tuminding pananakit o pamamaga
-
Nanlalamig, nagkukulay-asul, namamanhid, o nanginginig ang braso
-
Mga palatandaan ng impeksiyon: mainit, tumatagas na likido, o nadagdagan ang pamumula o pananakit sa paligid ng pasa
-
Hindi maigalaw ang napinsalang kamay, alinman sa mga daliri, o ang mga kasukasuan ng daliri
-
Madalas magkaroon ng pasa nang hindi alam ang mga dahilan
Online Medical Reviewer:
Eric Perez MD
Online Medical Reviewer:
Raymond Turley Jr PA-C
Online Medical Reviewer:
Tara Novick BSN MSN
Date Last Reviewed:
5/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.