Related Reading
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Mga Bali sa Leeg o Gulugod (Baling Leeg o Gulugod)

Ang gulugod ay nag-i-i-stretch mula sa base ng bungo hanggang sa tailbone. Binubuo ito ng 33 buto (vertebrae) na tumutulong sa pagsuporta sa katawan. Pinoprotektahan din ng mga butong ito ang spinal cord, ang mahalagang sangay ng iyong nervous system na nagdadala ng mga mensahe mula sa utak patungo sa katawan. Ang isang sira (bali) na buto sa leeg o gulugod ay maaaring maging napakalubha. Sa ilang mga kaso, maaari itong humantong sa pagkaparalisa o kamatayan. Ang emergency na pangangalaga ay mahalaga.

Side view ng katawan ng babae na nagpapakita ng tatlong kurba ng gulugod.

Panatilihing hindi gumagalaw ang mga pinsala sa leeg at gulugod

Huwag ilipat ang isang taong may pinsala sa leeg o gulugod. Ang tao ay dapat humiga at maghintay para sa isang emergency na medikal na pangkat. Makakatulong para sa isang tao na dahan-dahang hawakan ang ulo ng tao upang hindi ito gumalaw hanggang sa dumating ang tulong.

Kailan dapat pumunta sa emergency room (ER)

Kung makatagpo ka ng taong may pinsala sa leeg o gulugod, tumawag sa 911 para sa emergency na tulong kaagad. Hintaying dumating ang mga tauhan ng mga serbisyong pang-emergency at pumalit. Huwag subukang ilipat ang isang tao na may posibleng pinsala sa gulugod maliban kung ang kanilang buhay ay nasa napipintong panganib. Ang isang taong may pinsala sa leeg o gulugod ay maaaring magkaroon ng mga sintomas na kinabibilangan ng:

  • Hindi pagiging gising o kamalayan (walang malay)

  • Matinding pananakit ng likod o leeg

  • Mga pasa at pamamaga sa leeg o likod

  • Pamamaga o pagkawala ng pakiramdam sa mga kamay o paa

  • Pagkawala ng paggana ng bituka o pantog

  • Pagkawala ng pakiramdam at paggalaw sa ibaba ng antas ng pinsala

  • Panghihina o kawalan ng kakayahang igalaw ang mga braso o binti

Ano ang aasahan sa ER

Narito ang mangyayari sa ER: 

  • Ang taong nasugatan ay maaaring ilagay sa isang spine board na pumipigil sa paggalaw ng gulugod.

  • Maaaring kuhaan ng X-ray ang leeg o gulugod.

  • Maaaring gawin ang isang MRI o CT scan. Nagbibigay ang mga ito ng mas detalyadong mga larawan ng mga istruktura sa leeg at likod.

  • Maaaring magbigay ng gamot upang mabawasan ang pananakit.

Pagpapagamot

Ang layunin ng pagpapagamot ay ibalik ang leeg o gulugod sa normal nitong posisyon.

  • Ang isang maliit na bali sa leeg o simpleng bali sa gulugod ay maaaring gamutin gamit ang isang brace sa leeg sa loob ng 6 hanggang 8 linggo hanggang sa gumaling ang buto. Sa kasong ito, napakahalagang gawin ang ipinapayo ng iyong provider para sa pangangalaga sa tahanan at puntahan ang lahat ng follow-up na appointment.

  • Ang malubha o kumplikadong mga bali ay kadalasang nangangailangan ng operasyon upang mapagaan ang presyon sa spinal cord o spinal nerves at upang i-realign ang gulugod gamit ang mga metal rod, turnilyo, at bone graft. Sa kasong iyon, kailangan ang spine surgeon (orthopaedic surgeon o neurosurgeon).

Online Medical Reviewer: Anne Fetterman RN BSN
Online Medical Reviewer: Heather M Trevino BSN RNC
Online Medical Reviewer: Joseph Campellone MD
Date Last Reviewed: 9/1/2024
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
Disclaimer