Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pinsala sa ulo (Bata)

May pinsala sa ulo ang iyong anak. Sa pagkakataong ito tila hindi naman ito malubha. Pero maaaring lumitaw sa kalaunan ang mga sintomas ng mas malubhang problema, tulad ng di gaanong malubhang pinsala sa utak (pagkaalog), o pasa o pagdurugo sa utak. Sa dahilang ito, kailangan mong bantayang mabuti ang iyong anak para sa alinman sa mga sintomas na nakatala sa ibaba. Kapag nasa bahay, tiyakin din na sundin ang anumang mga tagubilin sa pangangalaga na ibinigay sa iyo na gagawin sa iyong anak.

Pangangalaga sa tahanan

Bantayan para sa mga sumusunod na sintomas

Para sa susunod na 24 oras (o higit pa, kung ipinag-utos), dapat kang manatili o ng isa pang adulto kasama ng iyong anak. Humingi ng emergency na pangangalagang medikal kung ang iyong anak ay kinakitaan ng mga ganitong sintomas sa mga susunod na oras o araw: 

  • Pananakit ng ulo

  • Pagkahilo o pagsusuka

  • Pagkahilo

  • Pagiging sinsitibo sa liwanag o ingay

  • Hindi pangkaraniwang pagkaantok o pagkagrogi

  • Hirap makatulog

  • Pagbabago sa personalidad

  • Pagbabago sa paningin

  • Pagkawala ng alaala

  • Pagkatuliro

  • Hirap na paglalakad o malamya

  • Pagkawala ng malay (kahit pa maikling sandali lang)

  • Walang kakayahang gumising nang mag-isa

  • Paninigas ng leeg

  • Panghihina o pamamanhid sa alinmang bahagi ng katawan

  • Pangingisay

Para sa iyong mga anak, bantayan din kapag umiiyak na hindi kayang patahanin, tumatangging pakainin, o anumang sinyales ng mga pagbabago sa ulo tulad ng pasa, bukol, o malambot o lubog na bahagi.

Pangkalahatang pangangalaga

  • Kung ang iyong anak ay niresetahan ng mga gamot para sa kirot, tiyaking ibibigay ito sa iyong anak ayon sa itinagubilin. Tandaan: Huwag bibigyan ang iyong anak ng ibang mga gamot para sa kirot nang hindi muna sumasangguni sa provider.

  • Para matulungang mabawasan ang pamamaga at kirot, lapatan ng malamig na bagay sa bahaging napinsala nang hanggang 20 minuto sa bawat pagkakataon. Gawin ito nang madalas tulad ng itinagubilin. Gumamit ng cold pack (malamig na pakete) o bag ng yelo na binalot sa manipis na tuwalya. Huwag na huwag maglalagay ng malamig na bagay nang direkta sa balat.

  • Kung ang iyong anak ay may hiwa o galos sa mukha o anit, gamutin ang mga ito ayon sa itinagubilin.

  • Para sa susunod na 24 na oras (o higit pa, kung ipinayo), dapat sundin ng iyong anak ang mga tagubiling ito:

    • Huwag magbuhat o gumawa ng ibang mahihirap na gawain.

    • Huwag maglaro ng isport o anumang iba pang aktibidad na maaaring magdulot ng isa pang pinsala sa ulo.

    • Limitahan ang TV, mga smartphone, video game, computer, at musika o lubusang iwasan ang mga ito. Maaaring palalain ng mga aktibidad na ito ang mga sintomas.

Follow-up na pangangalaga

Mag-follow-up sa tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan, o ayon sa itinagubilin. Kung may ginawang mga imaging test, susuriin ng doktor ang mga ito. Sasabihin sa iyo ang mga resulta at kung may anumang bagong matutuklasan na makakaapekto sa pangangalaga ng iyong anak.

Kailan dapat humingi ng medikal na pagpapayo

Tawagan kaagad ang provider kung ang iyong anak ay may alinman sa mga sumusunod:

  • Kirot na hindi humuhupa o lalong lumalala

  • Bago o lumalalang pamamaga o pasa

  • Lumala na pamumula, mainit, may tumatagas, o dumudugo mula sa bahaging napinsala

  • Paglabas ng likido o pagdurugo na lumalabas sa ilong o mga tainga

  • Mukhang may sakit o pagkilos na nagdudulot sa iyo ng pag-aalala

  • Matamlay o labis na pagkaantok

  • Pasa sa palibot ng mga mata o sa likod ng mga tainga

  • Pagkaduling

  • Paulit-ulit na pagsusuka

  • Hirap sa paglalakad o pagsasalita

Online Medical Reviewer: Liora C Adler MD
Online Medical Reviewer: Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Online Medical Reviewer: Rita Sather RN
Date Last Reviewed: 11/1/2020
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
Disclaimer