Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Ubo, Pangmatagalan, Hindi Pangkaraniwang Sanhi (Adulto)

Ang lahat ay halos nagkaroon ng ubo bilang bahagi ng karaniwang sipon, trangkaso o bronchitis. Ang ganitong uri ng ubo ay nangyayari ng may kaakibat na masakit pakiramdam, mababang lagnat, pagbara ng ilong at sinus, makati o magang lalamunan. Ito ay bumubuti sa loob ng 2 hanggang 3 linggo. Ang ubo na tumatagal ng higiti pa sa 3 linggo ay maaaring dahil sa ibang dahilan. Maaaring tukuyin ito ng iyong tagapangalaga ng kalusugan bilang isang pangmatagalang ubo.

Kung ang ubo ay hindi na bumuti sa loob ng susunod na 2 linggo, ang karagdagang pagsusuri ay maaaring kailanganin. Mag-follow-up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan gaya ng ipinapayo. Maaaring irekumenda ang pamigil sa ubo. Base sa iyong eksam ngayong araw, ang eksaktong sanhi ng iyong ubo ay hindi matiyak. Ang mga nasa ibaba ay mga karaniwang sanhi ng patuloy na pag-ubo.

Ubo ng naninigarilyo (Smoker’s Cough)

Ang “smoker’s cough” ay hindi nawawala. Kung ikaw ay nagpapatuloy sa paninigarilyo, lalo lang itong lalala. Ang ubo ay dulot ng iritasyon sa mga daluyan ng hangin. Makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa pagtigil. Ang mga gamot o pamalit nicotine na mga produkto, tulad ng o patch ay gagawin itong mas madali.

Postnasal drip

Ang ubong mas malala sa gabi ay maaaring dahil sa postnasal drip. Ang sobrang sipon sa ilong ay dadaloy mula sa likuran ng ilong patungo sa iyong lalamunan. Ito ang siyang nagsisimula ng pag-ubo. Ang postnasal drip marahil dahil sa isang impeksiyon sa sinus o allergy. Kabilang sa mga karaniwang allergies ay: alikabok, usok ng tabako (direkta hinihithit o ibinubuga ng iba) polusyon mula sa kapaligiran, pollen, mga gamit panlinis, mga pabango sa silid at singaw ng kemikal. Ang mga over the counter na antihistamines/decongestant ay maaaring makatulong para sa mga allergies. Maaaring mangailangan ang isang impeksiyon sa sinus ng paggamot na gamit ang antibayotiko. Makipagkita sa iyong doktor kung magpatuloy ang mga sintomas.

Mga Gamot

Ang ilang iniresetang gamot ay maaaring maging sanhi ng pangmatagalang ubo sa ibang mga tao:

  • Ang mga ACE inhibitors ay para sa mataas na presyon ng dugo. Kasama sa mga ito ang enalapril, lisinopril, at iba pa.

  • Ang mga beta-blockers ay para sa mataas na presyon ng dugo at sa iba pang kondisyon. Kasama sa mga ito ang propranolol, metoprolol, at iba pa.

Ipagbigay alam sa iyong doktor kung ikaw ay umiinom ng alinman sa mga ito. Maaaring mangahulugan ang pangmatagalang ubo na kailangang baguhin ang iyong gamot.

Hika

Ang ubo ay maaaring natatanging senyales ng malumanay na hika. Ang iyong doktor ay maaaring gumawa ng mga pagsusuri upang malaman kung ito ang sanhi. Maaari ka ring gumamit ng gamot sa hika para subukan.

Acid Reflux (Heartburn, GERD)

Ang esophagus ay isang tubo na nagkokonekta sa bibig at sikmura. May balbula sa dulo ng esophagus na nagsasara upang iwasan ang pabalik na daloy ng laman ng sikmura. Kung hindi gumana nang tama ang balbulang ito, pumapasok ang asido sa sikmura patungong esophagus. Ito ay maaaring magdulot ng pananakit na may hapdi sa itaas na bahagi ng tiyan o mababang bahagi ng dibdib, pagdighay o pag-ubo. Ang mga sintomas ay lalong lumalala kapag nakahiga. Iwasan ang pagkain o pag-inom bago matulog. Subukang gumamit ng ekstrang unan upang iangat ang itaas na bahagi ng iyong katawan o maglagay ng 4 na pulgada bloke sa ilalaim ng ulo ng iyong higaan. Maaari kang sumubok ng over-the-counter (OTC) na antacid o isang gamot na pumipigil sa asido tulad ng cimetidine, o omeprazole. Ang malalakas na gamot para sa kondisyong ito ay maaaring ireseta ng doktor. Itanong sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung aling gamot na OTC ang gagamitin. Depende sa iyong mga kasalukuyang gamot, maaaring magdulot ang ilang gamot na OTC ng mga interaksyon ng gamot at dapat na iwasan.

Follow-up na pangangalaga

Mag-follow up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan, o ayon sa ipinayo, kung hindi bumuti ang iyong ubo. Maaaring kailanganin ang karagdagang pagsusuri.

Tandaan: Kung kinuha ang isang X-ray, sasabihan ka kung may anumang bagong natagpuan na maaaring makaapekto sa iyong pangangalaga.

Kailan dapat humingi ng medikal na payo

Tumawag kaagad sa tagapangalaga ng iyong kalusugan kung alinman sa mga ito ang mangyari:

  • Banayad na paghingasing o hirap sa paghinga

  • Lagnat na 100.4ºF (38ºC) o mas mataas, o gaya ng ipinayo ng iyong tagapangalaga

  • Hindi inaasahang pagbaba ng timbang

  • Pag-ubo ng maraming plemang may kulay o may dugong plema

  • Pagpapawis sa gabi (nababasa ng pawis ang mga sapin at suot na pantulog)

Tumawag sa 911

Tumawag sa 911 kung nangyari ang alinman sa mga ito:

  • Pag-ubo ng dugo

  • Katamtaman hanggang sa malalang problema sa paghinga o pagsipol

Online Medical Reviewer: Allen J Blaivas DO
Online Medical Reviewer: Daphne Pierce-Smith RN MSN
Online Medical Reviewer: Ronald Karlin MD
Date Last Reviewed: 3/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
Disclaimer