Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pangangalaga sa Iyong Central Vein Access

Mahalagang pangalagaan nang tama ang iyong central venous access device. Kung hindi, maaari itong magkaimpeksiyon. Kaya hindi ito magagamit. Tatanggalin ang tubo (catheter) at papalitan ng bago sa isa pang ugat. Ipapakita sa iyo ng iyong nars kung paano pangalagaan ang iyong access upang makatulong na tumagal ito.

Sundin ang mga payong ito

  • Madalas na hugasan ang iyong mga kamay gamit ang sabon at malinis na tubig.

  • Subukang huwag hawakan ang catheter. Kung sinuman ang kailangang humawak nito ay dapat maghugas muna ng kanyang mga kamay at magsuot ng bago at disposable na mga guwantes.

  • Huwag hayaang kumiskis o mahila ang catheter ng anumang bagay (tulad ng damit).

  • Huwag basain ang iyong catheter. Humingi sa iyong pangkat na tagapangalaga ng kalusugan ng mga payo kung paano mag-shower o maligo.

Closeup ng babaeng naghuhugas ng kamay na may sabon sa lababo.

Pagbabantay sa mga problema

Tumawag kaagad sa iyong tagapangala ng kalusugan kung mayroon ka ng alinman sa mga problemang ito:

  • Nakakita ka ng bitak sa tubo. 

  • Dumurugo, tumatagas, o nagiging mapula o masakit ang balat sa paligid ng iyong access.

  • May lagnat ka na 100.4°F (38°C) o mas mataas, o ayon sa itinagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan.

  • Ang mga tahi (sutures) o dressing sa ibabaw ng catheter ay lumuluwag o nalalaglag ang catheter.

  • Namamaga o masakit ang isang braso.

Tandaan

Kadalasang ginagamit lamang sa maikling panahon ang central vein access. Pangalagaan ito.

Tagapangalaga ng kalusugan: Nars

Pangalan _______________________________ Telepono _______________________________

Pangalan _______________________________ Telepono _______________________________

Online Medical Reviewer: Eric Perez MD
Online Medical Reviewer: Jessica Gotwals RN BSN MPH
Online Medical Reviewer: Paula Goode RN BSN MSN
Date Last Reviewed: 4/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
Disclaimer